Halimbawa ng Talumpati - Mensahe sa Aking Mga Kababayan

Mensahe sa Aking Mga Kababayan
Manuel L. Quezon

Mga kababayan ko: may isang kaisipang nais kong lagi niyong tatandaan. At ito ay: kayo ay Pilipino. Na ang Pilipinas ay inyong bayan, at ang tanging bayan na ibinigay ng Diyos sa inyo. Na dapat niyo itong ingatan para sa inyong mga sarili, sa inyong mga anak, at sa mga anak ng inyong anak, hanggang sa katapusan ng mundo. Kailangan niyong mabuhay para sa bayan, at kung kinakailangan, mamatay para sa bayan.

Dakila ang inyong bayan. Mayroon itong dakilang nakaraan, at dakilang kinabukasan. Ang Pilipinas ng kahapon ay naging dakila dahil sa pag-aalay ng buhay at yaman ng inyong mga bayani, martir, at sundalo. Ang Pilipinas ng ngayon ay pinararangalan ng taos-pusong pagmamahal ng mga pinunong di-makasarili at may lakas ng loob. Ang Pilipinas ng bukas ay magiging bayan ng kasaganaan, ng kaligayahan, at ng kalayaan. Isang Pilipinas na nakataas ang noo sa Kanlurang Pasipiko, tangan ang sariling kapalaran, hawak sa kanyang kamay ang ilaw ng kalayaan at demokrasya. Isang republika ng mga mamamayang marangal at may paninindigan na sabay-sabay nagsisikap mapabuti ang daigdig natin ngayon.

Mula sa filipinolibrarian.blogspot.com

14 comments:

alca said...

salamat sa hamon...
tama po kayo sa sinabi nyo..
sana mabasa ito ng lahat..
hindi pa huli sa pagbabago..
simulan natin ngayon..

------a concern citizen

Anonymous said...

Nice1......

Unknown said...

very well said "my panahon pa para magbago.



www.tagalog-translator.com

Unknown said...

tama po! ang mga salita na pina hayag ninyo ay tumanim po! sa amin at nag mulat din sa amin na hindi pa huli ang lahat......

jennyberlyn kho

shainna eboa said...

yeah right! ako ay pilipino at pinagmamalaki ko iyon. salamat sa iyong mga mungkahi

Anonymous said...

salamat sa iyong mga magagandang ideya :)

charlene fe dulay said...

right! ako ay pilipino at ipinagmamalaki ko iyon, sana mabasa ito ng ating kapwa pilipino:)

Anonymous said...

proud ako maging filipino!!! I LOVE PHILIPPINES !!!!

Unknown said...

Gagawin rin po namin ito...

Anonymous said...

sana mabasa po ito ng mga iba...

ang ganda po ng pagkakagawa.... ang galing... hindi lahat kaya gumawa nito....

I'M A FILIPINO AND I'M PROUD TO BE ONE.... I LOVE PINAS...

Unknown said...

...
PROUD TO BE A FILIPINO!....

Unknown said...

Anong uri ito ng talumpati?

Unknown said...

Anung uti po ng talumpati Ito?

Unknown said...

Uri pala

Post a Comment