Mensahe sa Aking Mga Kababayan
Manuel L. Quezon
Mga kababayan ko: may isang kaisipang nais kong lagi niyong tatandaan. At ito ay: kayo ay Pilipino. Na ang Pilipinas ay inyong bayan, at ang tanging bayan na ibinigay ng Diyos sa inyo. Na dapat niyo itong ingatan para sa inyong mga sarili, sa inyong mga anak, at sa mga anak ng inyong anak, hanggang sa katapusan ng mundo. Kailangan niyong mabuhay para sa bayan, at kung kinakailangan, mamatay para sa bayan.
Dakila ang inyong bayan. Mayroon itong dakilang nakaraan, at dakilang kinabukasan. Ang Pilipinas ng kahapon ay naging dakila dahil sa pag-aalay ng buhay at yaman ng inyong mga bayani, martir, at sundalo. Ang Pilipinas ng ngayon ay pinararangalan ng taos-pusong pagmamahal ng mga pinunong di-makasarili at may lakas ng loob. Ang Pilipinas ng bukas ay magiging bayan ng kasaganaan, ng kaligayahan, at ng kalayaan. Isang Pilipinas na nakataas ang noo sa Kanlurang Pasipiko, tangan ang sariling kapalaran, hawak sa kanyang kamay ang ilaw ng kalayaan at demokrasya. Isang republika ng mga mamamayang marangal at may paninindigan na sabay-sabay nagsisikap mapabuti ang daigdig natin ngayon.
Mula sa filipinolibrarian.blogspot.com
READ MORE >>
Halimbawa ng Talumpati - Muling Maging Dakila
Muling Maging Dakila
Ferdinand Marcos
Sa araw na ito, animnapu't siyam na taon na ang nakalipas, namatay ang isang batang bayani at propeta ng ating lipi sa kanyang minamahal na lupain. Isang bala ng diktador ang pumaslang sa kanya, at mula sa pagdaloy ng dugo ng martir ay tumubo ang isang bagong bansa.
Ang bansang iyon ang naging unang makabagong republika sa Asya at Africa. Ito ang ating bansa. Ipinagmamalaki nating matatag ang ating bayan sa isang rehiyong matatag; kung saan balota, at hindi bala, ang humuhusga sa kapalaran at mga partido.
Kung kaya pinararangalan natin sa ating kasaysayan ang Kawit at Malolos bilang mga halimbawa ng pambansang kadakilaan. Bakit pambansang kadakilaan? Sapagkat itinayo ng ating mga ninuno ang matibay na haligi ng unang republika sa Asya na taglay lamang ang tapang, talino at kabayanihan.
Ngayon, ang hamon ay hindi na gaanong mapapansin, ngunit ito'y mahalaga pa rin. Kailangang ulitin natin ang mga ginawa ng ating mga ninuno sa isang mas karaniwang panahon, malayo sa madugo at dakilang pakikipagsapalaran - sa pamamagitan ng pagpapabilis ng pagbabago ng ating lipunan at kalakalan. Sapagkat ngayon, tila nalimutan na ng Pilipino ang kanyang diwa, dangal at tapang.
Maari pang muling maging dakila ang bayang ito. Paulit-ulit kong binabanggit ito. Ito ang aking pinaniniwalaan, at ninanais ng Poong Maykapal na tayo'y magtulungan upang isakatuparan ang ating panalangin. Maraming beses ko nang sinabi ito: sinusulat ng bawat salinlahi ang sariling kasaysayan. Naisulat na ng ating mga ninuno ang kanila. Tangan ang lakas ng loob at kahusayan, kailangang isulat natin ang atin.
Pangarap natin ito. Sa pagpili sa akin, inaako niyo ito. Samahan niyo ako sa pagkamit ng pangarap ng kadakilaan.

Labels: Talumpati
Halimbawa ng Talumpati - Sa Kabataan
Sa Kabataan
Onofre Pagsanghan
I
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang "nabansot". Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa.
Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati’y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo nama’y tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama’y itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan.
II
Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.
Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.

Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang tula na sinulat ni Andres Bonifacio na kanyang ginamit para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Si Bonifacio ay mas magaling na madirigma kaysa sa isang manunulat ngunit pinatunayan niya na kaya niyang gumawa ng isang tula para sa kanyang minamahal na bayan.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.
Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.
Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?
At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.
Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.
Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.
Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?
Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.
Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.
Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.
Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.
Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.
READ MORE >>
Labels: Tula
Talambuhay ni Andres Bonifacio
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan.
Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho
Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.
Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng Hulyo, 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng malabong tagumpay at malubhang pagkatalo.
Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Si Bonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain.
Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang paglilitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897.
Hanggang ngayon si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan na inilarawan sa mga katagang ito:
" Andres Bonifacio Matapang na Tao...."

Labels: Araling Panlipunan
Post your assignments here
You can post your questions here by adding a comment. We'll try to answer it as soon and as best as we can.
READ MORE >>
READ MORE >>
About
This site's purpose is to provide information about school assignments hoping to help all students in their research works.
If you need more information about a certain topic you can post it in the "For Research" section.

Subscribe to:
Posts (Atom)